TBPEOPLE DECLARATION OF RIGHTS

Pagtatalga ng Karapatan ng mga taong apektado ng Tuberculosis

Panimula: Kami, ang pandaigdigang komunidad na apektado ng sakit na Tuberculosis,

Kumikilala sa pagtaguyod ng proteksyon ng karapatang pangtao na apektado ng tuberculosis ay legal, wasto at kinakailangan, kabilang ang importansya para sa epektibong pagtugon sa epidemya at kaginhawaan ng mga tao at komunidad ng apektado ng tuberculosis;

Pagtanggap na ang mga taong apektado ng sakit na tuberculosis ay patuloy na nagiging biktima ng paglabag sa karapatang pang tao, kabilang dito ay ang pag tugon sa tuberculosis, ang mga paglabag na ito ay nakaksagabal sa pagsugpo ng tuberculosis, at nagreresulta ng pagkawala ng tiwala ng mga taong may tuberculosis sa kanilang sistemang pangkalusugan;

Pagbigay diin na ang mga taong apektado ng tuberculosis, na ang kanilang sariling karanasan at kaalaman, ay dapat, sa ilalim ng tamang kaugalian, ay kinakailangan na kasama sa lahat ng hakbang ng pagpaplano, pag implementa, pamamahala, pagsuri at pagsuri sa programa ng tuberculosis sa lebel ng global, regional, national at lokal;

Pagsasalangalang na ang medikal at pampublikong tugon ay hindi sapat sa pagsugpo ng tuberculosis, pagsaalangalang ng karapatan ng tao, komprehensibong pagtugon sa pagsugpo ng tuberculosis, pagsusuri, paggagamot, pagaalaga at pagsupporta, ay alinsunod sa universal health coverage, ay kinakailangan sa pagwakas ng tuberculosis; at

Paggiit na ang internasyonal at regional human rights law ay nag mamandato at nag babahagi ng nilalaman ng pagtatalagang ito, alinsunod sa mga bata na napagkasunduan at maging malinaw sa bawat estado kaugnay sa epidemyang tuberculosis, kabilang ang mga sumusunod:

• Universal Declaration of Human Rights;
• International Covenant on Economic,
• Social and Cultural Rights;
• International Covenant on Civil and Political Rights;
• Convention on the Elimination of All forms of Discrimination 2against Women;
• International Convention on the Elimination of All Forms of Racial Discrimination;
• Convention on the Rights of the Child;
• Convention against Torture and Other Cruel, Inhuman or Degrading Treatment;
• International Convention on the Protection of the Rights of All Migrant Workers and Members of Their Families;
• Convention on the Rights of Persons with Disabilities; at
• Convention Relating to the Status of Refugees;

at sa regional level, ang:
• African Charter on Human and Peoples’ Rights;
• African Charter on the Rights and Welfare of the Child;
• American Convention on Human Rights;
• Arab Charter on Human Rights;
• European Convention on Human Rights; at
• European Social Charter; at

Pagsasaalangalang, kasama ng iba pa, ay ang Sustainable Development Goals of the 2030 Agenda for Sustainable Development, ang Political Declaration of the High-Level Meeting of the United Nations General Assembly on the Fight against Tuberculosis, the Stop TB Partnership Global Plan to End TB, ang resolutions of the World Health Assembly, ang United Nations Guiding Principles on Business and Human Rights, ang United Nations Declaration on the Rights of Indigenous Peoples, ang reports and proclamations of the United Nations Special Rapporteur on the Right to Health and other United Nations Special Rapporteurs, at ang World Health Organization End TB Strategy, inendorso ng World Health Organization, na nagtatatag ng proteksyon at pagtaguyod sa karapatang pantao, moralidad at katarungan, kabilang ang matibay na pagbubuklod ng komunidad, bilang pangunahing prinsipyo na mahalaga sa pagtugon sa sakit na tuberculosis;

Nagbuo ng kasalukuyang pagtatalaga ng karapatan ng taong apektado ng tuberculosis

Kabanata 1. Pangkalahatang Probisyon

Artikulo 1. Kahulugan

Ginagamit ng pagtatalang ito ang mga sumusunod na kahulugan:

Ang pagaalga sa kalusugan para sa tuberculosis ay tumutukoy sa pinaka epektibo, mataas na kalidad ng pangangalaga at serbisyo na kaugnay sa pagsugpo, pagsuri at pag gamot sa tuberculosis, kabilang ang pulmonary, extrapulmonary, drug-susceptible and drug-resistant tuberculosis, na mayroong kaunting side effects, kabilang, ngunit di limitado sa, pagsusuri, gamot, pagpapayo at iba pang serbisyong pagpayo sa mga problemang psychosocial, mahabang panahon na pagkakaospital at kasalukuyang pagaalaga para sa mayroong bahagyang pansamatala o permanenteng kapansanan, kapang kailangan, pangangalaga na naka base sa komunidad, pangangalaga sa nakatatanda at sa huling bahagi ng buhay, pamamahala at pangangasiwa sa mga hinde inaasahang reaksyon ng katawan habang nag gagamot, kabilang ang iba pang pamamaraan ng pag gagamot at mga kagamitan, kabilang rin ang emergency care, na binibigay ng health care workers, na magalang, marangal, may pag galang sa kultura, di nang aapi ng kapwa, walang dungis at walang pagpipigil , sa kabuuan ng gamutan ng karamdaman kasama ang habang buhay na pangangalaga sa mga taong nangangailangan ng patuloy na pag aaruga.

Ang taong apektado ng tuberculosis ay tumutukoy sa kahit sinong taong mya sakit na tuberculosis o ang mga taong nagkaroon na dati ng tuberculosis, kabilang ang mga taong nangangalaga at malapit na miyembro ng pamilya, at mga bumubuo ng key affected poplution, kabilang ang mga bata, health care workers, mahihirap, taong may sakit nah HIV, tapos gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, mga bilango, minero, mga OFW, kababaihan, at ang mga mahihirap na parte ng lungsod at probinsya.

Tuberculosis tumutukoy sa lahat ng uri ng sakit na tuberculosis, kabilang ang pulmonary at extrapulmonary tuberculosis, drug-susceptible tuberculosis, at lahat ng uri ng drug-resistant tuberculosis.

Kabanata 2. Karapatang ng mga taong apektado ng tuberculosis

Artikulo 2. Karapatan sa buhay

Bawat taong apektado ng tuberculosis ang may karapatan sa buhay.

Kabilang dito ang karapatan na makatangap ng pangangalaga na nakakaligtas ng buhay laban sa sakit na tuberculosis.

Artikulo 3. Karapatan sa karangalan

Bawat tao na apektado ng sakit na tuberculosis at maya kaparatan na matrato ng may karangalan at pag galang.

Kabilang dito ang makatangap ng pangangalaga ng ahensya na karapat dapat – hindi ito pamamaraan upang hindi sumangayon sa pampublikong pangkalusugang programa – at walang diskriminasyon, maling paniniwala, pamimilit, kabilang sa serbisyong pangkalusugan at serbisyong pangkalusugan sa loob ng piitan.

Artikulo 4. Karapatan sa pinakamataas na kalidad ng pisikal at pangakaispan na kalusugan (karapatan sa kalusugan)

Bawat tao na apektado ng Tubeculosis ay may karapatan na matamasa ang mataas na kalidad ng pisikal at pangkaisipan na kalusugan.

Kabilang na dito ang karapatan para sa magagamit, madaling puntahan, katangap tangap at mataas na kalidad ng pangangalagang pang kalusugan para sa sakit Tuberculosis, ito ay napapaloob sa universal health coverage, kabilang ang gamot para sa bata na tinatawag na Fixed Dose ccombinations at mga pagsusuri at prebensyon para sa tuberculosis infection para sa miyembro ng mga apektadong populasyon, sa simula pa lang ng pagpapakita ng symptomas ng Tuberculosis, hanggang sa makumpleto ang gamutan, at sa mga taong nangangailangan ng pangmatagalang gamutan, na inihahatid ng mga sinanay na mga Health worker, sa lebel ng komunidad, nararapat na maging magalang, marangal, na walang pag diskrimina, anuman ang edad, kasarian, kulay, kultura, lahi, kapansanan, pinag mulang lahi, antas ng pamumuhay, pagkakilanlan ng kasarian, Lengguwahe, estado sa buhay, opinyong pang pulitikal, ibang pang nararanasang karamdaman, pambansa o lipunang pinagmulan, lahi, relihiyon, kasarian, sekswal na oryentasyon o kung ano pa mang estado sa buhay, kabilang ang mga taong nahatulan ng pamahalaan o kaya`y binawian ng kalayaan, kabilang ang espesyal na pagtugon sa mga populasyon na apektado ng Tuberculosis.

Artikulo 5. Karapatan para sa kalayaan mula sa pagpapahirap at iba pang walang awa, malupit o kaya`y mapanghiyang pagtrato

Karapatan para sa kalayaan mula sa pagpapahirap at iba pang walang awa, malupit o kaya`y mapanghiyang pagtrato o pagpaparusa.

Kabilang dito ang karapatang sa pangangalagang pang kalusugan para sa tuberculosis, ng walang pang huhusga, na pananagutan ng bansa, para sa mga taong nahatulan ng pamahalaan o kaya`y binawian ng kalayaan. Kabilang na rin dito ang karapat dapat, ligtas at malinis na kondisyon ng detensyon, at hindi masikip na piitan, kasama ng sapat na bentilasyon at pagbibigay ng masustansyang pagkain. Ang karapatan ay angkop rin sa pag trato sa mga taong may tuberculosis ng mga Health workers sa pang publikong pasilidad, na umaabot lebel ng pagpapahirap, at iba pang walang awa, di makatao at mapanghiyang pag trato.

Artikulo 6. Karapatan para sa pagkakapantay pantay at malaya sa diskriminasyon

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay pantay pantay sa ilalim ng batas at nag bibigay karapatan, ng walang diskriminasyon at mayroon pantay pantay na proteksyon sa batas at ang pagiging malaya mula sa anumang uri ng diskrimasyon, at iba pang batayan, gaya ng edad, pinagmulan, kulay, kultura, lahi, kapansanan , pinag mulang lahi, antas ng pamumuhay, pagkakilanlan ng kasarian, lengguwahe, estado sa buhay, pulitikal at iba pang opinyon, ibang pang karamdamang taglay, pambansa o lipunang pinagmulan, lahi, relihiyon, kasarian, sekswal na oryentasyon o kung ano pa mang estado sa buhay.

Kabilang dito ang karapatan ng bawat taong apektado ng tuberculosis na maging malaya sa lahat ng uri ng diskriminasyon sa lahat ng aspeto ng buhay, kabilang ngunit di limitado sa, pagkakaroon ng kapanatagang panlipunan at pampublikong karapatan, sa panganganak at pagiging ina, edukasyon, hanapbuhay, pangangalaga sa kalusugan, pabahay at pag aasawa.

Artikulo 7. Karapatan sa kalayaan at sa kaligtasan ng tao

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan sa kalayaan at sa kaligtasan ng sarili. Walang sinuman na may sakit na tuberculosis ang mapagkakaitan ng kanilang kalayaan maliban na lamang sa mga pagkakataon at sa naaayon sa pamamaraan na na pinagtibay ng batas. At ang bawat taong apektado ng tuberculosis na pinagkait ng kanilang kalayaan ay nararapat mabigyan ng makatao at may pag galang para sa kanilang taglay na dignidad.

Labag sa loob na detensyon, pagpapa-ospital o pagbubukod sa taong may tuberculosis ay pagkakait ng kalayaan at paglabag sa kaligtasan ng isang tao. Ang labag sa loob na pagpapa-ospital o pagbubukod ay nangangahulugan na pinapayagan lamang bilang huling pamamaraan, sa pinaka maikling posibleng panahon, na alinsunod sa Chapter 15 of the World Health Organization’s Ethics Guidance for the Implementation of the End TB Strategy, kapag ang isang tao, base sa wastong medical na ebidensya:

  • Ay napatunayang nakakahawa, tumanggi sa epektibong pag papagamot, at lahat ng makatwirang paraan upang makasiguro sa pagsunod ay ginagawa at napatunayang hindi gumaling; O
  • Napatunayang nakakahawa, sumangayon sa ambulatory treatment, ngunit walang kakayahang kontrolin ang impeksyon sa loob ng tahanan, at tumanggi mag paalaga; O
  • Ay malamang na nakakahawa (base sa resulta ng laboratoryo) ngunit tumanging sumailalim sa pag susuri batay sa kanyang nakakahawang kondisyon, habang ang bawat pagsisikap ay ginagawa sa pasyente upang magkaroon ng maayos na plano sa gamutan na akma sa kanyang pangangailangan.

Dagdag pa rito, base sa United Nations Economic and Social Council’s Siracusa Principles on the Limitation and Derogation Provisions in the International Covenant on Civil and Political Rights, ang pag kakait ng kalayaan na may kinalaman sa sapilitang pagpiit, pagpapa ospital o pagbubukod sa taong may tuberculosis ay pinahihintulutan lamang kung ito ay:

  1. Alinsunod sa National Law na imiiral sa panahon ng kakulangan;
  2. Base sa, at ang halintulad sa, legal na layunin bilang tugon sa malubhang banta para kalusugan ng mga mamamayan o ng bawat isang kasapi;
  3. Mahigpit na pinatutupad sa mabilisang pagtugon sa sitwasyon;
  4. Ang pinaka madali at pinakakonting balakid sa oabg abit ng layunin; AT
  5. Hindi makatwiran, abusado, o kaya`y mapangdeskrimina.

Kung mapapatunayan, detensyon, pag papa ospital o pagbubukod ng taong may tuberculosis ay nararapat na: dumaan sa angkop na medikal na setting, na mayroong mabisang paraan ng pag hinto ng pag laganap ng impeksiyon, sa pinaka mabilis na posibleng panahon, ito ay makakamit lamang kung ang mga nabanggit ay mangyayari; ang taong gagamutin ay bilang boluntaryo; ang lahat ng iba pang karapatan at kalayaan ay igagalang; dumaan sa tamang pagdinig at ang panawagan ay kinakailangang magagamit at naa-access; at ang estado ay dapat na masunod, ang pangunahing pangangailangan, kasama rito, ngunit hindi limitado sa, sapat na pagkain at tubig, at iba pang pangangailangan na kailangan para masiguro na ang pag higpit sa kanilang karapatan ay nabigyang silbi.

Artikulo 8. Karapatan sa paglakbay

Ang bawat taong apektado ng tuberculosis alinsunod sa batas na nasa sakop ng bansa ay may karapatan sa kalayaan ng kilusan at kalayaan mamili ng kanilang tirahan.

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay malayang lisanin ang kahit anong bansa, maging ang sarili nyang bayan.

Ang mga nabanggit na karapatan ay hindi sakop ng anumang limitasyon, maliban na lamang na kung saan may batas na nakalaan, ay mahalaga upang protektahan nag pambansang seguridad, pambansang kaayusan, kalusugang pampubliko at moralidad o ang karapatan at ang kalayaan ng kapwa, at naayon sa mga karapatan para sa kalayaan at kaligtasan ng isang tao na naka paloob sa Artikulo 7 ng Pagtatalaga na ito.

Ito ay nangangahulugan na ang tuberculosis ay hindi maaaring gamiting basehan upang tanggihan ang pag pasok o pag balik sa bansa, at hindi basehan upang ipadeport o alisin sa isang bansa. Ito rin ay nangangahulugan na ang tuberculosis ay hindi maaaring gamitin upang maging dahilan ng paghihigpit sa pag kilos o paglalakbay sa loob isang bansa, maliban na lamang kung ito ay batay sa mahigpit na itinakda naitataguyod sa loob ng Artikulo 7 ng Pagtatalaga, naayon rin sa Chapter 15 of the World Health Organization’s Ethics Guidance for the Implementation of the End TB Strategy.

Artikulo 9. Karapatan sa pagkapribado at buhay pamilya

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan na hindi maging paksa ng hindi makatwiran o labag sa batas na panghihimasok sa kanilang pribadong buhay, pamilya, tahanan, at hindi makatarungang pag atake sa kanilang karangalan at reputasyon. Bawat tao apektado ng tuberculosis ay mayroon karapatan sa proteksyon ng batas laban sa ganitong panghihimasok o pag atake.

Kasama na rito ang karapatan ng tao na may tuberculosis upang panatilihin ang kanilang katayuang pang kalusugan at personal na impormasyon tungkol sa sariling kalusugan at pribadong datos. Kasama na rito ang karapatang magpakasal, magtatag ng pamilya at magkaroon at mangalaga ng mga anak.

Artikulo 10. Karapatan kumpedensyal

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan ilihim ang ang mga impormasyon at datos ng kanilang personal na kalusugan.

Nangangahulugan ito na ang paglalahad, pagbabahagi o pag salin, electronically at iba pang paraan, ang pribadong detalye ng impormasyon pang kalusugan o datos ng taong apektado ng tuberculosis, kabilang ang lokasyon ng pinagtratrabahuhan ay pinahihintulutan lamang kapag ito ay mayroong permiso at kung ang layunin ay pangalagaan ang kanilang kalusugan at protektahan ang kalusugan pangkalahatan. Para sa Layunin na pangalagaan ang kalusugan ng mamamayan, kabilang at katuwang ang public health surveillance or health services delivery programs, kagaya ng nabanggit na impormasyon, maaari itong ibahagi o isalin na walang pahintulot kung ang kanyang pag kakilanlan ay nakatago, walang pangalan o ano mang personal na impormasyon.

Ang karapatan kompidensyal ay nararapat igalang at bigyang kabuluhan para sa layunin at maisakatuparan ang contact tracing at iba pang may kaugnayan sa public health interventions. Kabilang na dito ngunit di limitado sa, pagbibigay ng counseling para sa taong apektado ng Tuberculosis, pag bigay ng access sa pinag isang papapasya tungkol sa kung papaano at kailan sasabihin sa contacts ang tungkol sa posibleng exposure at masiguro ang paglapit sa sinanay na Health Care at Social Workers upang makapag bigay suporta at sagot sa mga katanungan na maaaring lumitaw habang nasa proseso.

Artikulo 11. Karapatan sa impormasyon

Bawat tao na apektado ng Tuberculosis ay mayroon karapatang maghanap, tumanggap at magbigay ng impormasyon.

Ito ay nangangahulugan na ang impormasyon tungkol sa Tuberculosis infection at ng sakit, kabilang na ang sintomas ng sakit, Tuberculosis Medical Research at Health Technology Development, at pag sugpo, pagsubok at tulong sa paggamot, kasama na ang posibleng malalang epekto habang gamutan, kinakailangan handa, accessible at katanggaptangap, may maayos na kalidad, edad, angkop na kasarian, may pag galang sa kultura, at maipabatid sa hindi teknikal, madaling maunawaan sa pamamagitan ng salitang naiintindihan ng taong tumatanggap ng impormasyon.

Nangangahulugan din ito na nag bawat taong apektado ng tuberculosis, at sa pinakakaunti, ay mayroong karapatan para sa:

  • Humingi at makatanggap ng opisiyal na kopya ng kanilang medikal record;
  • Makatanggap ng napapanahon, tama at nauunawaang paliwanag ng kalagayan ng kanilang kalusugan at pagsusuri para sa sakit na tuberculosis o impeksiyon, lalo na para sa Tuberculosis Key at Vulnerable Populations;
  • May access sa boluntaryong counselling sa anumang oras mula sa pasusuri hanggang makumpleto ang kanilang gamutan; at
  • Makatanggap ng paliwanag mula sa mga benepisyo, panganib, at pinansyal na gastos kung anoman ang kanilang imungkahing gamutan, kabilang na ang Preventive Therapy pati na rin ang posibleng alternatibong gamutan, na may kumpletong impormasyon tungkol sa partikular na niresetang gamot, tulad ng mga pangalan, doseges, maaaring masamang epekto, at mga paraan upang maiwasan o mabawasan ang posibilidad, gayundin ang posibleng epekto mula sa paggamit kasama ang ibang gamot, tulad ng antiretrovirals na ginagamit para sa HIV, pag ang Comorbidities o Coinfections ay nakikita.

Artikulo 12. Karapatan sa pagbigay ng pahintulot

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan sa pag bigay ng pahintulot.

Ito ay nangangahulungan isinasaalang ang awtononomiya ng isang tao, sariling pagpapasya at dangal sa pamamagitan ng kusang loob na paghahanap ng serbisyong pangkalusugan. Ito ay kinabibilangan ng karapatan magbigay ng pahintulot – sa salita o sulat, na batay sa sitwasyon – para sa lahat ng uri ng pagsusuri, pagpapagamot at mga pag aaral na may kinalaman sa medisina na kabilang ang tuberculosis, sa lahat ng impormasyong ibinigay, edad at angkop na kasarian, nakasanayang kulturang kaugalian, magbigay nang di teknikal, madaling maunawaan na uri ng pananalita na maiintindihan ng taong tatanggap ng impormasyon. Para sa mga bata na apektado ng tuberculosis na walang kakayahang mag bigay ng pahintulot, lahat ng pagpapasya na isinagawa ng kanilang magulang o legal na taga pangalaga na may kinalaman sa pagsusuri, paggamot o medikal na pananaliksik na may kaugnayan sa tuberculosis ay nararapat isagawa sa pinakamahusay na kapapakinabangan ng bata, batay sa wastong datos medikal.

Ito ay nangangahulungan isinasaalang ang awtononomiya ng isang tao, sariling pagpapasya at dangal sa pamamagitan ng kusang loob na paghahanap ng serbisyong pangkalusugan. Ito ay kinabibilangan ng karapatan magbigay ng pahintulot – sa salita o sulat, na batay sa sitwasyon – para sa lahat ng uri ng pagsusuri, pagpapagamot at mga pag aaral na may kinalaman sa medisina na kabilang ang tuberculosis, sa lahat ng impormasyong ibinigay, edad at angkop na kasarian, nakasanayang kulturang kaugalian, magbigay nang di teknikal, madaling maunawaan na uri ng pananalita na maiintindihan ng taong tatanggap ng impormasyon. Para sa mga bata na apektado ng tuberculosis na walang kakayahang mag bigay ng pahintulot, lahat ng pagpapasya na isinagawa ng kanilang magulang o legal na taga pangalaga na may kinalaman sa pagsusuri, paggamot o medikal na pananaliksik na may kaugnayan sa tuberculosis ay nararapat isagawa sa pinakamahusay na kapapakinabangan ng bata, batay sa wastong datos medikal.

Artikulo 13. Karapatan sa edukasyon

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan sa Edukasyon.

Kabilang dito ang karapatan sa libre at obligadong edukasyon sa mababang paaralan, karapatan magkaroon ng sekundaryo at kolehiyo, kasama na rito ang teknikal at vocational na pag aaral, na walang pagdiskrimina, kasama ang may kapansanan at ang may problema sa pangdinig at kapansanan sa paningin. Ang mga batang may tuberculosis ay may karapatan na tanggapin habang sila ay nakakahawa at habang sila ay naggagamot, sa pamamagitan ng paghinulot sa pag liban sa eskwelahan, at sa iba bang paraan upang payagan silang mag patuloy at hindi mahinto ang kanilang pag aaral, tulad ng remote na pakikilahok sa silid aralan at pag aaral o online learning. Dahil sa bihirang pagkakataon ang batang apektado ng tuberculosis ay nangangailangan ng mahabang panahon ng pagkahospital, sila ay may karapatan na makatanggap ng long distance na pag aaral sa panahon habang patuloy ang kanilang paggagamot.

Artikulo 14. Karapatan makapagtrabaho

Bawat tao na apektado ng tuberculosis ay may karapatan magtrabaho, ang taong may tuberculosis ay hindi dapat maging alipin o kaya`y magpaalipin o maging biktima ng sapilitang paggawa.

Ito ay kabilang sa karapatan sa ligtas at malinis na kondisyon sa trabaho, kabilang ang mga health care workers at lahat ng taong nagtratrabaho sa mga pasilidad na nangangalaga ng kalusugan, nagmimina, dayuhang manggagawa, at lahat ng manggagawa na mataas ang peligro sa impekisyon at sakit na tuberculosis. Kasama na rin dito ang karapatan ng malayang magpasiya na tumanggap o pumili ng trabaho na may makatarungang sahod at pantay na kabayaran katumbas ng pinagtrabahuhan, na walang pag kakaiba sa anumang uri, may pantay na batayan at kabayaran sa trinabaho ano mang uri ng kasarian.

Ito ay kabilang sa karapatan sa ligtas at malinis na kondisyon sa trabaho, kabilang ang mga health care workers at lahat ng taong nagtratrabaho sa mga pasilidad na nangangalaga ng kalusugan, nagmimina, dayuhang manggagawa, at lahat ng manggagawa na mataas ang peligro sa impekisyon at sakit na tuberculosis. Kasama na rin dito ang karapatan ng malayang magpasiya na tumanggap o pumili ng trabaho na may makatarungang sahod at pantay na kabayaran katumbas ng pinagtrabahuhan, na walang pag kakaiba sa anumang uri, may pantay na batayan at kabayaran sa trinabaho ano mang uri ng kasarian.

Artikulo 15. Karapatan sa sapat na pagkain

Bawat taong apektado ng tuberculosis at may karapatan sa sapat na pagkain at maging malaya sa kagutuman at malnutrisyon.

Kabilang dito ang karapatan magkaroon ng pisikal at daan pangkabuhayan sa lahat ng pagkakataon, para sa pagkaing sapat, nutrisyong sapat at ligtas, partikular ang mahalagang paraan ng pag aalaga sa pang kalusugan para sa tuberculosis, pati na ang mga taong inalisan ng kalayaan. Kasama rin ang Nutrition Support Therapy na kailangan sa panahon ng gamutan.

Artikulo 16. Karapatan sa pabahay

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan sa sapat na pabahay.

Ito ay kabilang sa karapatan para sa abot kaya, accessible at matitirahang pabahay sa loob ng katanggap tangap na lokasyon, na may seguridad sa paninirahan na may garantiya na legal na proteksyon laban sa sapilitang pagpapaalis, panggigipit, at iba pang pananakot. Isama pa dito na mayroon serbisyo, materyales, pasilidad at imprastraktura, kasama na ang iba pang bagay, sapat na kalinisan at may sariwang hangin, painit, pa ilaw, at tapunan ng basura.

Artikulo 17. Karapatan sa tubig at kalinisan

Bawat tao apektado ng tuberculosis ay may karapatan sa malinis na tubig at kalinisan.

Kabilang dito ang karapatan sa ligtas na tubig na maiinom at sapat na serbisyong pang kalinisan, walang diskriminasyon, partikular sa mga rural, katutubo, at mga lungsod na may kakulangan sa pagunlad, kasama ang mga informal settlements at populasyon ng mga walang sariling tahanan, isama narin ang mga pangangailangan ng kababaihan at nga bata.

Artikulo 18. Karapatan sa seguridad panlipunan

Bawat tao apektado ng tuberculosis ay may karapatan sa seguridad panlipunan at social insurance, kasama ang pangyayari ng kawalan ng trabaho, kapansanan, katandaan, o iba pang pangyayari na kawalan ng kakayahan na buhayin ang sarili sa dahilan na wala sa kanilang kontrol.

Ito ay nangangahulugan na ang bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan na gamitin at makatanggap ng social security alin mang uri, walang diskriminasyon, kahit na walang nakukuhang pangangalagang pang kalusugan para sa tuberculosis o kung sila ay hindi sumunod sa kanilang paggagamot ng tuberculosis. Kasama na rito ang karapatan na makaccess at mapanatili ang mga benepisyo, maging ito ay salapi o iba pang uri, upang masiguro ang proteksyon mula sa, o ano mang bagay; kakulangan sa kinikita mula sa trabaho na sanhi ng pagkakasakit, kapansanan, panganganak, pinsala sa trabaho, kawalan ng trabaho, katandaan o pag panaw ng miyembro ng pamilya; hindi abot kayang access sa pangangalaga ng kalusugan; o di sapat ng suporta ng pamilya para sa kabataan o umaasang matanda.

Partikular ang bawat tao na nagtamo ng impeksyon ng tuberculosis o sakit na nakuha sa pinagtratrabahuhan ay may karapatan sa patuloy na sweldo para sa kanilang gastusing medikal at iba pang gastos na may kinalaman sa kanilang sakit.

Artikulo 19. Karapatan sa kalayaan sa pananalita

Bawat tao apektado ng tuberculosis ay may kalayaan sa pananalita.

Kabilang sa karapatang ito ang karapatan sa manindigan sa opinyon at maghanap, makakuha at magbigay ng impormasyon at lahat ng uri ng ideya, pati na ang tungkol sa tuberculosis at indibidwal na karanasan sa tuberculosis, sa ano mang uri ng medium, tulad ng social media na walang panghihimasok o pagpaparusa mula sa pampublikong awtoridad.

Artikulo 20. Karapatan sa malayang pag titipon at samahan

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan sa mapayapang pagtitipon, samahan at kasama ang iba.

Kasama dito ang karapatan na lumikha, sumali at makilahok sa non- governmental organizations at community groups para sa mga taong apektado ng tuberculosis na ang layunin ay maitaguyod at pangalagaan ang karapatan ng lehitemong kapakanan ng mga taong apektado ng tuberculosis, kabilang ang mga taong nasa bilanguan. Kabilang din dito ang karapatan na magtatag, magbuo at lumaban ng mapayapa sa publiko na may kaugnayan sa sakit na tuberculosis.

Ang pagtupad sa ganitong karapatan ay kinakailangan ng legal at policy environment na may pahintulot at mangangasiwa sa pag buo ng operasyon ng non-governmental organizations at community groups para sa mga taong apektado ng tuberculosis. Walang limitasyon ang maaaring ilagay sa sa nasabing karapatan maliban sa inilathala ng batas na kinakailangang sa isang demokratikong lipunan para sa kapakanan ng seguriad national at public order upang mapigilan ang kaguluhan at krimen, para sa proteksyon ng kalusugan at kabutihang asal o proteksyon ng karaptan sa kalayaan ng iba. Ang artikulong ito ay hindi ginawa upang pigilan ang panimula ng legal na limitasyon sa mga kasapi ng armed forces o tagapagpatupad ng batas.

Artikulo 21. Karapatan sa pakikilahok

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan ng na maging parte ng pampublikong mga gawain, direkta o sa pamamagitan ng kanilang samahan at malayang pinili ng mga kinatawan.

Kabilang dito ang karapatan na makilahok sa makabuluhang proseso at paraan para sa pagpapaunlad, implementasyon, pagsubaybay at pag susuri ng batas, patakaran, regulasyon, patnubay, budyet, at programa na may kaugnayan sa tuberculosis, pangangalaga sa kalusugan ng tuberculosis, at pananaliksik medikal para sa tuberculosis, at lahat ng antas ng pamamahala, kasama ng tulong, kung kinakailangan, makatarungang pagasikaso na inilaan ng estado, International organizations, indigenous groups at civil society organizations upang matiyak ang makabuluhan at epektibong pakikilahok.

Artikulo 22. Karapatan sa katarungan at karapat dapat na paraan

Ang bawat taong apektado ng tuberculosis na nasakdal sa isang administratibo o paglabag sa kasong criminal ay may karapatan sa makatarungan at pampublikong pagdinig, na walang pagkaantala, may kakayahan, malaya at walang pinapanigang hukuman na itinatag ng batas, at sa mabisang pag lutas kapag ang kanilang karapatan ay nilabag.

Kabilang dito ang karapatan na mag hain ng reklamo sa paraan inilathala ng batas o regulasyon, kabilang dito ang public health authorities at upang magkaroon ng makatarungan at maagap ng pagdinig sa mga reklamo. Ito rin ay kinabibilangan ng karapatan upang umapela sa mataas na awtoridad, kung hindi sila kumbinsido sa resulta ng pagdinig, at makakuha ng hatol at dahilan sa pamamagitan ng paraan ng pagsulat na angkop sa lenguaheng kanilang nauunawaan.

Artikulo 23. Karapatan na matamasa ang pagunlad ng siyensiya (Karapatan sa siyensya)

Bawat taong apektado ng tuberculosis ay may karapatan na matamasa ang benepisyo ng pag unlad ng siyensiya at aplikasyon nito.

Ito ay nangangahulugan na ang bawat taong apektado ng tuberculosis ay nararapat makaccess sa siyentipikong pag sulong, na walang diskriminasyon, may pag galang at pinoprotektahan ang mga likas na yaman, indibiduwal at kolektibong intelektwal na pag aari ng mga katutubo, maging ang mga ito ay pagsulong sa mga hindi nasusukat katulad ng kaalaman, at impormasyon o tunay na output gaya ng bagong teknolohiya para masugpo, pagsuri o gamutin ang tuberculosis. Kabilang na dito ang karapatan na makilahok sa siyentipikong proseso, mula sa pag buo ng agenda sa pananaliksik, at lumahok sa mga clinical trials.

Ang karapatan sa siyensiya ay kailangan ng estado na pangalagaan, bumuo at magpalaganap ng siyensiya at ang kapakinabangan nito. Ito ay nangangahulugan na ang gobyerno ay dapat: mamuhunan sa at bumuo ng legal na patakaran sa kapaligiran para paganahin ang pananaliksik; gumawa ng siyensiya na ang pag papairal ay magagamit sa pamamagitan ng, kasama ng ibang bagay, paglathala ng mga resulta, magtatag ng sistema sa pamamahala upang suriin ang makabagong pamamaraan, na base sa pampublikong programang pangkalusugan at patakaran sa loob ng siyentipikong katibayan; at makatiyak ng siyentipikong pag unlad, at ang mga benepisyo ay pangangalagaan at pananatilihin para sa mga susunod na henerasyon.

Kabanata 3. Tungkulin at Pananagutan

Artikulo 24. Pananagutan ng estado sa ilalim ng Pandaigdigan at sa Pangrehiyong batas para sa karapatang pang tao

Ang estado ay may legal na pananagutan sa itinatag ng Pandaigdigan at sa Pangrehiyong batas para sa karapatang pang tao na igalang, ipagtanggol at ipatupad ang karapatang pangtao ng mga apektado ng tuberculosis, kasama na ang karapatan inilathala sa pagtatalagang ito.

  1. Tungkulin sa paggalang: Ang estado ay dapat iwasan ang panghihimasok sa karapatan ng taong apektado ng tuberculosis;
  2. Tungkulin na ipagtanggol: Ang pamahalaan ay dapat gumamit ng paraan upang maiwasan ang third party, kabilang ang non-State actors, tulad ng mga pribadong health care providers, private health insurance companies, pharmaceutical at diagnostic companies, at iba pa, sa panghihimasok sa pagtatamasa sa karapatang ng taong apektado ng tuberculosis; at
  3. Tungkulin na Tumupad: Ang pamahalaan ay dapat magpatibay sa lehislatura, pamamahala, badyet, pagpapaunlad at ibang pang panukala, hanggang sa pinaka mataas na kayang maabot ng mapagkukunan, patungo sa ganap na maunawaan ang tungkol sa karapatan ng taong apektado ng TB.

Artikulo 25. Pananagutan ng mga Non-state actor sa ilalim ng Pandaigdigan at Pangrehiyong batas para sa karapatang pang tao

Non-state actors, kabilang ang lahat ng uri ng proyektong pang negosyo, tulad ng pribadong health care providers, pribadong health insurance companies, pharmaceutical at diagnostic companies, at iba pa, ay may roong pananagutan na igalang ang karapatang pangtao ng taong apektado ng TB, kabilang na ang karapatan na inilahad sa pagtatalagang ito. Ang mga nonstate actors ay dapat umiwas na lumabag sa Karapatang pang tao ng mga taong apektado ng TB at di dapat magsalita ng masama na nakaka apekto sa karapatang pangtao ng mga taong apektado ng TB sa kung saan sila ay kabilang.

Link to the web article: https://95999bc2-57f9-450f-91d5-c1fc83b8de25.filesusr.com/ugd/0210c3_2f9fc3c2a5454217a056a071c796903c.pdf

Published May 2019
Contact TBpeople:
facebook.com/tbpeople,
twitter @realTBpeople,
info@tbpeople.org.uk
Contact Stop TB Partnership:
facebook.com/StopTBPartnership,
instagram.com/stoptb,
twitter @StopTB,
www.stoptb.org,
communications@stoptb.org