Amapola Tingzon Katimbang-Honra Lifestory
God has a Purpose! His plan is Greater than Our Dreams!
16 yrs old ako ng umibig, sabi nga nila “puppy love” daw. Nagkaroon kami ng 6 na anak, Hindi ko alam kung bakit? (I was raped?/battered wife kasi ako) and to make the long story short naghiwalay din kmi ng first “husband” (na ICU kc ako due to fractures nung last name gulpi nya sakin).
Dumating si “2nd husband’, sobrang thankful ako kay God kc mapagmahal siya at tinaggap nya ako kahit 6 ang anak ko, naging mabuti syang ama sa mga anak ko at asawa din naman sa akin.
2004, I was diagnosed having Tuberculosis yung simpleng TB lang na 6 months lang gagamutin…piece of cake!sobrang alaga ako ni papa 2. Halos hindi na niya ako iwalay sa tabi nya ng mga panahong yun, SO SWEET!
2007..nagkaTB uli ako
2008..naulit uli..
2009..ganun pa din..
Kumpleto nman ako sa pagpapagamot sa katunayan pa nga pati VIts at pagpapacheck up updated ako. At di biro ha, all the way from samar to heart center and binabyahe ko halos every month para lang gumaling ako
2010, sa simpleng fever ko,naisipan Kong mgpacheck up as center.AYUN!!!dun ko nalaman na MDR TB na pala ang sakit ko, ksama c papa 2, nagpacheck up kmi sa pulmo ng center to make sure na MDR na talga siya, at yun MDR nga..aba,at una pang umatungal ang papa 2 ko sa akin, pero in fairness ha, araw araw niya akong sinasamahan sa LaSalle, Dasma sa araw araw na pag inom ko ng gamot..SO SWEET ULI…
It was April 2,2011..sabi nya sakin ” bhe,di muna kita sasamahan ha, magpapahinga ako muna ako”. Sabi ko “cge bhe OK lang”. lumakad akong mag isa. Pagbalik ko, habang NASA tricycle ako bigla akong kinabahan.. yun pala wala na akong asawang aabutan. NAWALA SIYANG PARANG BULA!
MASAKIT!pro kailangan Kong lumaban..kinalimutan ko ang pamilya ko ang mga anak ko,tumira ako sa halfway house khit Hindi ako required tumira. Palakasan lang ng loob yan, sabi ko sa sarili ko.2 yrs lang to, kaya ko!
Dun ko nakilala ang FOREVER ko (actually pareho kaming pasyente). Nagsimula kaming mangarap di lang para samin kundi para sa mga anak namin.
After 5 years of being magkasintahan, We tied the knot last year Aug 26,2016. Ninong at ninang ang ilan sa mga naging doctors namin and by the blessing of our Lord Jesus Christ biniyayaan ng magandang hanapbuhay at ang pinakablessing sa lahat ay ang patuloy kming ginagamit ng Panginoon sa Kaniyang mga gawain..
God bless us all &
To God be all the glory!