Niño Magpusao Lifestory
I’m Niño, 30 years old
from Quezon City.
I just wanna share my personal experience as a MDR-TB Survivor.
Last quarter of 2008 nung ma-diagnose sa health center na may TB ako. Yung klase na 6months lang magaling ka na. Pero dahil di naman ako masyado educated nung mga time na yun in the age of 18y.o about sa TB, binalewala ko yung mga libreng gamot na bigay ng health center until lumala sya. Naging MDR-TB na yung sakit ko, sumusuka na ko ng dugo. January 2009 nag-start ako ng gamutan para sa MDR-TB hanggang sa matapos ko sya hanggang March 2011. Hindi naging madali ang lahat pero sa tulong at tyaga ng mga doctor, nurse at iba pang staff sa DOT clinic ay gumaling ako at nagkaroon muli ng bagong pag-asa.
March 2018 na-pursue ko na ulit yung na-postpone kong operation sa cleft pallet after 20yrs due to financial issue. Salamat Smile Train Philippines, MediCard Philippines, Inc. and Dr. Bennie Herbosa. At salamat lalo higit sa connections ng TBPeople Philippines Organization Inc. na tumulong sa’kin para makilala ang Smile Train Philippines.
Akala ko wala na kong pag asa na makapagpa opera ulit pero dahil sa tulong ng TBPeople Phil, nakahanap ako ng mga tutulong sa’kin. Dun ko lang nalaman na libre o walang bayad ang operation at pwede pa pala ako magpa opera kahit matanda na ko.
Sa pagsali ko sa TBPeople Philippines, naging madali sa’kin ang mga bagay bagay dahil na din sa mga taong mas nakakaunawa sa aking mga pinagdaanan. Walang discrimination dahil malawak ang pang unawa ng isa’t isa.
Sa ganitong klaseng organization, mas lalawak ang kaalaman natin basta lawakan mo din ang interest mo sa buhay at magtiwala ka. Tulungan at pagkakaisa ang kailangan.
Ngayon, mas naging confident at masayahin ako sa trabaho at sa buhay dahil bukod sa tapos na ko sa gamutan, physically mas pogi na ko. 😉👌